
Soon.
Hi guys, namiss ko kayo. Namiss niyo din ba ako? Chos. De, para sa ibang hindi nakakaalam, ‘di ko na po gagamitin itong Tumblr ko na ito at umalis na po ako. Pero hindi ko siya dineact kasi sayang naman ang mga alaala ko dito. Share lang. Inupdate ko lang para ito ‘yung huling mababasa ng mga nagba-backread sa akin. ‘Yun, share lang.
Bye!
Good bye po sa inyo. Thanks po sa lahat. Hihihi.

Dear Swiss Miss na iinumin ko ngayong 5 A.M., ito na ang huli kong iinumin na Swiss Miss sa buhay ko. Kasi, mamaya, pagkagising ko, magbabagong buhay ako at hindi ko alam kung bakit. Feel ko lang. Tumatanda na rin ako’t nakakaranas ng vertigo na namana ko sa side ni Dad. At, good bye Tumblr na rin ata ituuu. So bale, pagkatapos ko inumin ‘to, matutulog na ako at pagkagising ko mamaya, bahala na. Puno ng tubig, monay at chocolate ang tiyan ko simula kahapon. Gusto ko lang din i-share.
Pwede niyo na po ako i-book for special events. Pag may birthday or wedding, gigs, parties, etc. For interested clients, pwede niyo po ako i-email sa pilosopogyno@gmail.com or PM niyo nalang ako sa FB, i-tweet niyo ako, o T.A. dito. Kung alam niyo number ko, text niyo ako. Pwede rin i-WeChat.
Hindi po ako kumakanta o nagho-host. Makikikain lang po ako.
Buong week mabigat ‘yung mata ko at dumidilim paningin ko bigla, tapos biglaang nahihilo din. Nanghihina. Pero tiniis ko lang [tulad ng ibang nangyari sa akin dati] kasi lilipas din ‘to pero ‘di ko na kaya’t lumalala siya. Tapos sinabi ko na kay Mom. Actually, alam naman niya noong kakasimula lang ng week na ‘to, pero akala nila, ok na.
So ayun, vertigo daw, namana ko sa side ni Dad. Huhuhu. :-( Share lang. Haixt!
Girl1: Ang ganda mo naman!
Girl2: Thank you! Haha. Ikaw din.
Boy1: Ang gwapo mo naman!
Boy2: Huh?
Girl1, nakitang naiwan nakabukas ang facebook ni Girl2

Boy1, nakitang naiwan nakabukas ang facebook ni Boy2

Bumili ako ng pera dati sa IMVU gamit ‘yung load ko sa phone para lang maayusan ko ‘yung avatar ko. Hahahaha! Schette.
1. Si Inay, tinuruan niya ako HOW TO APPRECIATE A JOB WELL DONE.
“Kung kayong dalawa ay magpapatayan, doon kayo sa labas! Mga leche kayo, kalilinis ko lang ng bahay.”
2. Natuto ako ng RELIGION kay Itay.
“Kapag yang mantsa di natanggal sa carpet, magdasal ka na!”
3. Kay Inay ako natuto ng LOGIC.
“Kaya ganyan, dahil sinabi ko.”
4. At kay Inay pa rin ako natuto MORE LOGIC.
“Kapag ikaw ay nalaglag diyan sa bubong, ako lang magisa ang manonood ng
sine.”
5. Si Inay din ang nagturo sa akin kung ano ang ibig sahibin ng IRONY.
“Sige ngumalngal ka pa at bibigyan talaga kita ng iiyakan mo!”
6. Si Inay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang CONTORTIONISM.
“Tingnan mo nga yang dumi sa likod ng leeg mo, tignan mo!!!”
7. Si Itay ang nagpaliwanag sa akin kung anong ibig sabihin ng STAMINA.
“Wag kang tatayo diyan hangga’t di mo natatapos yang lahat ng pagkain mo!”
8. At si Inay ang nagturo sa amin kung ano ang WEATHER.
“Lintek talaga kayo, ano ba itong kuwarto nyong magkapatid, parang dinaanan ng bagyo!”
9. Ganito ang paliwanag sa akin ni Inay tungkol sa CIRCLE OF LIFE:
“Malandi kang bata ka, iniluwal kita sa mundong ito, maari rin kitang alisin sa mundong ito.”
10. Kay Itay ako natuto kung ano ang BEHAVIOR MODIFICATION.
“Tumigil ka nga diyan! Huwag kang mag-inarte na parang Nanay mo!”
11. Si Inay naman ang nagturo kung anong ibig sabihin ng GENETICS.
“Nagmana ka ngang talaga sa ama mong walanghiya!”
12. Si Inay naman ang nagpaliwanag sa amin kung anong ibig sabihin ng ENVY.
“Maraming mga batang ulila sa magulang, di ba kayo nagpapasalamat at mayroon kayong magulang na tulad namin?”
13. Si Itay naman ang nagturo sa akin ng ANTICIPATION.
“Sige kang bata ka, hintayin mong makarating tayo sa bahay!”
14. At si Itay pa rin ang nagturo kay Kuya kung anong ibig sabihin ng RECEIVING.
“Uupakan kita pagdating natin sa bahay!”
15. Si Inay naman ang nagturo sa akin kung ano ang HUMOR.
“Kapag naputol yang mga paa mo ng pinaglalaruan mong lawnmower, wag na wag kang tatakbo sa akin at lulumpuhin kita!”
16. At ang pinakamahalaga sa lahat, natutunan ko kina Inay at Itay kung ano ang JUSTICE.
“Isang araw magkakaroon ka rin ng anak, tiyak maging katulad mo at magiging pasakit din sa ulo!”