#TumblrFamous, #OpinyonKo, #Followers, #Notes, #Unfollow, atbp.

Mahaba ‘to, ‘wag mo basahin kung ayaw mo. Pero saloobin ‘to ng isa sa mga *ehem* At iisahin ko na ‘tong post na ‘to. Nandito na lahat ng gusto kong i-post tungkol sa Tumblr.

Ngayon lang ako magsa-salita o magba-blog tungkol dito. Unang una, ‘di ko sasabihin na Tumblr Famous ako. ‘Di ko din sasabihin na hindi ako Tumblr Famous. Kayo lang ‘yan. Kayo lang tumawag sa’kin/sa’min niyan. Tapos kapag dineny namin, pa-humble. Kapag pumayag kami, mayabang. Pangalawa, ‘di ko din sasabihin na walang Tumblr Famous. ‘Di ko din sasabihin na may Tumblr Famous. Pangatlo, naniniwala akong pantay pantay tayo dito PERO may mga nabiyayaan na madaming followers dahil may mga dahilan din sila kung pa’no ‘yan dumami. Tulad ng pagpo-promote ng blog nila, pinaghirapan, pagsisipsip o kung ano pa man. Wala akong paki kung ano man ginawa nila pero syempre, congrats sa mga naghirap. 

Hindi ko sasabihin na hindi ako deserving para magkaroon ng ganito karami na followers pero salamat parin sa mga nag-follow. Wala din akong sinabi na may sense ang blog ko dahil binablog ko lang ang mga gusto kong sabihin, ‘di ‘yung mga gusto niyong marinig/mabasa. Pero kung sa tingin niyo nagyayabang ako minsan sa mga bagay bagay, tipong "May bago akong kotse." o "May bago akong iPad." noong nagkaroon ako ng mga gano’ng bagay, pasensya na. Kahit naman konti lang followers ko, ipo-post ko parin ‘to dahil sa putanginang blog ko ‘to. Hindi ako nagyayabang. Nayabangan lang kayo. Dahil kapag kayo, nagpost ng mga bagay niyo, ‘di ako nayayabangan. Actually, masaya pa nga ako para sa inyo kasi meron kayong gano’n. Kung nagpo-post ba kayo ng “May snow dito.”, ‘di naman ako ‘yung "Wow, yabang. Ikaw na sa ibang bansa!"… Ako ‘yung, “Uy, padala ka dito pag-uwi mo ha!” na pabirong magsabi. Kasi tangina niyo, masaya kayo. Bakit ko sisirain?

Hindi din ako ‘yung “naghirap” para sa followers ko. ‘Di ko sila pinaghirapan. Paghihirapan? Bakit, nagpost ba ako para makarami ako? Nagpost ba ako na sang-ayon ang karamihan? Nagpo-post ako dito ‘yung mga opinyon ko na alam ko, madami ang ‘di sang-ayon. Nagpost nga ako dito dati na "Sana ‘yung mga kriminal na pumatay, pinapatay din agad. ‘Di na kinukulong." na mahaba ang eksplanasyon ko na alam kong madami ang hindi sang-ayon dahil ~sagrado~ ang buhay daw at sino ba ako para sabihing ipapatay agad ang mga kriminal? Bakit, sino ba sila para pumatay din? 1:1 at para matakot na ang mga kriminal. Bakit? Isang araw ba, magiging kriminal ka din? Natatakot ka ba? 

Nakikita ko sa notifications kung sino ang mga nag-follow sa’kin kung nagkataong makita ko sila sa dash. Pero ‘di ko tinitignan kung sino nag-unfollow sa’kin. Importante pa ba sila, e wala na nga sila? Kung ihahalintulad mo sa pagmamahal ‘yan, importante pa ba ang taong iniwan ka? Ano gagawin mo, pipilitin mong mahalin ka nila ulit pero sapilitan lang? Diba, hindi na? Hayaan mo na. Kung mahal ka niyan, babalikan ka niyan. Pero oo, aaminin ko na magandang may followers, para naman may magbasa din naman minsan ng saloobin mo pero ‘di naman importante kung ilan. O kaya, kailangang marami. Dahil kapag isa lang ang follower mo at nabasa niya ‘yun, 100% ng follower [dahil isa lang] mo ay reader mo. Kaysa 100 ang followers mo at nagbabasa ng lima lang, 5% ng followers mo ay readers mo.

Hindi naman makikita sa notes ang lahat. Madaming notes, ganito/ganyan na agad? Parang grades lang ‘yan na hindi ibig sabihin, bobo o matalino ka. Tipong madami kang notes, famous ka. Mataas ang grades, Top 1 ka. ‘Di importante ‘yun. Kung ano ka sa labas ng school, ang importante sa’yo. Gano’n din sa pinagpo-post mo. ‘Di mo kailangang sumang-ayon sa Top 1 o sa Famous. May sarili kang opinyon. ‘Di pwede kung pro-divorce ako, mag-pro ka na din. Tulad ng Top 1, nagkakamali din ako/kami/sila/tayo. Minsan nga, kung sino pa may konting notes, mas maganda pa ‘yung posts. Nagkataon lang na konti lang ang followers niya. 

Para sa mga followers ng mga bloggers na hindi naman pinromote o nagpa-promote, ‘di naman kayo pinilit na i-follow niyo kami. Kahit na magkaibigan tayo sa tunay na buhay. Pero kung finollow niyo kami, salamat. Pero kung ayaw niyo ng posts namin, ‘wag niyo sabihing ayaw niyo ng posts namin dahil may free will kang pumili ng susundan, may free will din akong magpost ng kahit ano. Kahit tuldok lang. Tapos kapag nag-unfollow ako/kami/sila, walang samaan ng loob. Kahit kaibigan mo pa sa tunay na buhay. Ba’t niyo kasi pine-personal? ‘Di ko maintindihan. Nag-unfollow lang, ayaw nang kaibigan? Gano’n ba pag-i-isip mo? O nag-unfollow lang, -1 sa followers mo at ikakasakit ng puso mo?

  1. herestoyouuniverse reblogged this from pilosopogyno
  2. wagnalangako reblogged this from pilosopogyno
  3. weirdambivert reblogged this from pilosopogyno
  4. mikaeradesu reblogged this from pilosopogyno
  5. madramangbangus reblogged this from pilosopogyno