TNYMU

Matutulog na ako. Sobrang nakakapagod ‘yung araw na ‘to. Nagdrive ako papunta doon, tapos naglakad ng sobrang layo dahil ang laki ng SM North, tapos basta, ang layo talaga at puro lakad lang kami. Tapos pumuntang Circle at syempre, first time ko din at naglakad din kami sa mismong Circle. Pero nagjeep kami papunta, kasi ang layo ng parking ko. Sa The Block ako naka-park. Tapos pagbalik sa SM North, lakad na naman. 

Bakit kasi ang laki masyado no’n? Gusto ko sana magpabuhat kay Rhads kaso nakakahiya naman sa kanya at baka madumihan pa damit ko sa kamay niya. Charot. Pero masaya naman… Masaya. Nakakapagod. Masaya. At least, ‘di ako organizer para naman kami naman mismo ‘yung nag-enjoy sa meetup. Yehey, congrats sa organizers… Kahit na deputa ‘yung guard na kakarating ko lang sa Annex, pinaalis agad ako sa kinatatayuan ko. Ang ganda ng entrance ko, tumingin mga tao sa akin at magpapapicture na, tapos pinaalis lang ako ng guard? ‘Di ko keri ‘yun.

Tapos ‘yung group picture ng lahat ng umattend, may humarang sa akin. Kinukuha ko ‘yung URL, ayaw niya ibigay! Iba-bash ko sana ngayon dahil tinakpan niya ‘yung magdadala ng picture. Hassle sa muscle! Sakit sa bangs! ‘Yun lang ‘yung ayaw ko doon. ‘Yung pinaalis ako ng guard at sinira niya momentum ko at ‘yung humarang sa akin sa picture. "Hi, ako nga pala si Gyno. Pilosopogyno. Ano URL mo, kasi nakaharang ka e. Gusto sana kitang i-bash mamaya pagkauwi ko." pero dinedma lang niya ako. Pero kung sino man ‘yun na naka-checkered, joke lang ‘yun.  Nag-adjust na ako para sa’yo… ‘di naman ako bitter pero sinungayan lang kita. Kung akin lang ‘yung camera, inedit ko’t tinaggal kita doon e. Pero ‘di ako bitter.

So ‘yun, matutulog na ako’t pagod na talaga. Mage-expect ako ng mas maraming pictures bukas kasi sobrang dami ng nagpapicture! Salamat nga pala sa mga nagpapicture… hindi na ako nakaalis ng pwesto ko dahil sa inyo. Pero ok lang ‘yan, mahal ko naman kayo lalo na ‘yung mga sinasabi na #Gynosaurs sila.

Congrats! Good night!